COMMUNITY
Harana Kay Maria 2025
Isang Marian Concert para sa rehabilitasyon ng Remedios Jubilee Mission Center (RJMC).
Ang Parokya ng Nuestra Senora de los Remedios - Malate Catholic Church ay buong pusong nag-aanyaya sa inyo na makiisa sa isang gabi ng musika, pananampalataya, at panalangin sa darating na Nobyembre 8, 2025 (Sabado), ganap na 7:30 ng gabi sa Malate Catholic Church.
Sa temang "Inang Remedios, Ina ng Sangnilikha, samahan mo kami sa paglalakbay na may pag-asa," ang gabing ito ay handog bilang pag-alay ng papuri at pagmamahal kay Maria, Ina ng Diyos, na siyang patuloy na gumagabay at nagdarasal para sa atin. Layunin din ng konsiyertong ito na makalikom ng pondo para sa rehabilitasyon ng Remedios Jubilee Mission Center (RJMC), isang mahalagang bahagi ng ating paglilingkod at misyon bilang pamayanan.
Ang tiket para ay nagkakahalaga ng P300.
Maaari po ninyo itong mabili sa mga sumusunod:
Parish Office
PPC Secretariat
Ministry Coordinators
Organization Coordinators
Area Coordinators
Para sa karagdagang impormasyon at anunsyo, maaari ninyong bisitahin ang aming opisyal na mga Facebook page:
🔗 OLRP Main Page: https://www.facebook.com/MalateCatholicChurch
🔗 OLRP Choir Page: https://www.facebook.com/OLRPchoir
Inaanyayahan namin ang lahat-mga parokyano, pamilya, kaibigan, at mga katuwang sa pananampalataya-na maging kabahagi ng mahalagang proyektong ito. Higit pa sa isang konsiyerto, ito ay isang panawagan ng pagkakaisa, pagtutulungan, at pananampalataya upang patuloy na maisakatuparan ang ating misyon sa Simbahan at sa pamayanan.
Sama-sama tayong umawit, magpuri, at mag-alay ng Harana kay Maria para sa higit na dakilang layunin!
#HaranaKayMaria2025
We’d like to hear your thoughts about this article. Please let us know what you think. Thank you.
Our Community
© Malate Catholic Church
All rights reserved.